- HOME
- COMMON PUBLIC MISCONCEPTIONS ABOUT PAWS
- ADOPTION: How do I adopt from PAWS?
- ADMISSION / ABANDONMENT: Can PAWS adopt/take my pet? Can I donate my pet to PAWS?
- ANIMAL CONTROL VS ANIMAL WELFARE
- ANIMAL WELFARE LAWS
- BRANCH OF PAWS: Are there other PAWS branches? Sana may PAWS dito!
- CITY POUND: Help! My dog was caught and was taken to the pound. Is this right/legal?
- CRUELTY: Hit-and-Run Case
- CRUELTY: How To Report Animal Cruelty + Calling 117
- CRUELTY: Online photos / videos / links, what can I do about these?
- DOG BITES: Help! I was bitten by a dog. What do I do?
- DONATE: How can I donate to PAWS?
- FOSTER: Temporarily keeping a rescue is one of the most important things a volunteer or concerned citizen can do. What does it take to foster?
- HOARDING AND IRRESPONSIBLE RESCUING
- HUMANE EDUCATION - BARANGAYS / SUBDIVISIONS : Does PAWS give seminars for barangays on animal care, catching of strays, responsible pet ownership?
- HUMANE EDUCATION: School Tours / Student Interviews / School Visits
- NEGLECT: My neighbor is beating their pet. My neighbor is not giving food/water/shelter.
- NEGLECT: Pet shops (Animals are malnourished, not fed, kept in small/cramped cages, etc.)
- NEIGHBOR COMPLAINING ABOUT OUR PETS
- PET SHOPS / PETS FOR SALE: Is it ok to buy from a pet shop? Is it legal to sell animals in the streets?
- REHOMING ASSISTANCE
- RESPONSIBLE PET OWNERSHIP
- RESPONSIBLE RESCUING
- SHELTER CLEANING PROGRAM
- SHELTER FEEDING PROGRAM
- SICK PET: Help, my pet is sick. What do I do?
- SPAY/NEUTER: Benefits
-
STRAY-RESCUE: What To Do With Rescues and Stray Emergencies
- STRAY-RESCUE: How do I admit this poor puppy/kitten/cat/dog I saw on the streets?
- STRAYS - How to get them off the streets?
- STRAYS: Why are there stray cats and dogs?
- ACTUAL REPORT: Dog with cyst. Need assistance.
- ACTUAL REPORT: Abandoned dog
- ACTUAL REPORT: Run-over stray dog with bone sticking out
- ACTUAL REPORT: Stray dog in bad condition beside hospital
- STRAY/RESCUE: Dog/Cat Stuck In Tree/Roof/Sewer/Creek/Etc
- STRAYS/PETS OUT IN THE RAIN/TYPHOON
- STRAY CATS: Trap-Neuter-Return (TNR)
- TNR - How to do community TNR
- VET SERVICES: Does PAWS offer vet services?
- VET MALPRACTICE: My pet died at the vet, I think this is negligence, how can I complain about it?
- VOLUNTEER: How do I become a PAWS volunteer? / I'm not from Manila, how can I volunteer? / Can kids volunteer?
- WHY DO DOGS BITE?
- ABANDONED DOGS, PUPPIES, CATS, KITTENS - Can PAWS rescue them?
- ABANDONED NURSING KITTENS: Help! I found these little kittens and I don't know how to take care of them.
- BABIES AND PETS
- BEHAVIOR AND TRAINING: My dog has biting/aggressive problems, etc? What do I do?
- BOARDING: Can I board my pet at PAWS? Can my pet stay temporarily at PAWS?
- BURIAL/CREMATION: Does PAWS offer these services?
- CONDO DOES NOT ALLOW PETS
- DR. DOG : How can my dog be a part of the Dr. Dog Program?
- EXOTIC PETS: Is it legal to keep exotic animals?
- FOUND PET
- LOST PET: My pet is missing. Can you help me?
- NEW YEAR'S TIPS
- ON DOLPHINS, COCKFIGHTING, ETC.
- PAWS LOGO: Can our group use the PAWS logo for our event that will benefit PAWS? Can I use the PAWS logo for my blog?
- TRAVEL WITH PET
- PAWS Facebook Posting Guidelines
- PREPARING FOR DISASTERS
- 5 Freedoms
Ano ang gagawin ko? Yung kapitbahay namin, pinapabayaan ang kanilang alagang aso. Hindi pinapakain, mukhang may sakit pero hindi dinadala sa vet, nakakulong lang ito, walang silong at lagi nababasa ng ulan, minamaltrato ang alaga.
Ang concerned citizen na nagrereport sa PAWS ay ang pinakaunang linya ng saklolo ng hayop na nangangailangan, higit lang sa pagkuha ng photo/video at pagreport sa isang undermanned NGO. Ito ay dahil ang concerned citizen ay nasa lugar mismo kung saan nagaganap ang pagmamalupit/pagpapabaya at may direct access sa hayop.
Ano po ang maaaring gawin?
1. Subukan muna ang pakikipag-usap sa may-ari ng hayop upang mapayuhan ito na kailangan mas maayos na alagaan ang hayop. Maaaring mag-offer ng tubig, pagkain o di kaya ay tumulong sa paggawa ng silong para sa aso na nababasa ng ulan o natatamaan ng araw. Maaaring tumulong dalhin ang alaga ng kapitbahay sa beterinaryo o ipaalam na may low-cost clinic ang PAWS kung kapos sa budget ang may-ari ng aso para ipatingin ito.
Sa aming experience, kapag maayos naman po ang pakikipag-usap sa suspected animal offender ay naiaayos naman ang kundisyon ng hayop. Paalalahanan din ang pabayang may-ari (madalas - ito ay kapitbahay) na labag sa batas ang pagmamalupit o pagpapabaya sa alagang hayop.
Kung sinubukan kausapin ang may-ari ngunit hindi pa rin nagbago ang sitwasyon ng kawawang aso/pusa, ang mga sumusunod na hakbang ang maaaring gawin:
2. Humingi ang tulong galing sa third-party. Pwede mong tawagan ang iyong mga barangay officials upang sila ang kumausap sa inyong kapitbahay na sa tingin ninyo ay pabayang amo.
Sa katunayan ang neglect or cruelty reports ay dapat dinudulog sa police, barangay o Bureau of Animal Industry - Animal Welfare Division (BAI-AWD) - sila'y bahagi ng gobyerno, mga public officials na bayad ng buwis ng bayan para mapatupad ang batas o magresponde sa mga violations ng Animal Welfare Act o Anti-Rabies Act.
Maari ring ang PAWS ang tawagan. Kapag ang concerned citizen ay magpasyang huwag na sa tamang sangay ng gobyerno lumapit at imbes ay idudulog sa isang undermanned na NGO tulad ng PAWS, handa naman po tumulong ang PAWS sa abot ng aming makakaya BASTA'T ANG IMPORTANTE AY HANDA RING MAKIPAGTULUNGAN sa pamamagitan ng pagsumite ng kumpletong detalye:
Ipadala ang lahat ng detalye sa [email protected]
Ang mangyayari dito, depende sa kung gaano kabilis ang inyong pag-submit ng impormasyon at affidavit at kung kelan maisasaayos ng PAWS: Magbibigay ang PAWS ng warning letter sa pabayang amo. Depende sa lugar, maaari rin magpadala ng PAWS volunteer upang tingnan ang kundisyon ng aso. Hindi po ipapaalam sa kapitbahay ninyo na kayo ang nagsumbong sa PAWS. Kapag hindi pa rin naging maayos ang pagtrato sa hayop, saka lang magsasampa ng demanda ang PAWS sa tulong ng inyong affidavit at saka lamang malalaman ng accused kung sino ang witness. (The accused only learns of the identity of the witness when the case has been filed at the City Prosecutor's Office. This is because it is the right of the accused to know who has borne witness against him.)
3. Pwede din idiretso na po ninyo ang pagsampa ng demanda. Kailangan din ninyong gumawa ng sinumpaang salysay o affidavit upang maisampa ito sa inyong City Prosecutor's Office. Wala po kayong gagastusin maliban sa pamasahe.
Tandaan lamang na kailangan namin ang inyong pakikpagtulungan at commitment kung napagdesisyunan ninyong gawin ang option 2 o option 3. At sakaling umabot din tayo sa puntong kailangan nating kunin ang alagang hayop ng pabayang may-ari, kapag puno ang shelter, maaring kailanganin ninyong pansamantalang bigyan ng silong (foster) ang hayop na ito. Kung hindi po kayo pwedeng mag-foster, pwede po kayong humanap ng iba na pwedeng gawin ito.
NOTE:
Kapag hindi umubra ang friendly approach, walang ibang paraan kung hindi magsampa ng kaso. Hindi papayag ang PAWS na kunin lamang ang aso ng walang kaakibat na demanda dahil:
1) Wala kaming authority na basta kunin ang aso nang walang 'legal basis'. Hindi kami sangay ng gobyerno- kami ay isang NGO.
2) Hindi matututo ang nagpabayang may-ari ng aso. Kukuha lang ito ng ibang aso at ganun ulit ang gagawin dahil iisipin nyang hindi krimen ang ginawa nyang neglect. Krimen po ang neglect at cruelty. Ang tanging dahilan kung bakit hindi sineseryoso ang batas na ito ay dahil sa wala pong gumagawa ng affidavit at nagsasampa ng kaso. Lahat ng taong naaawa ay gusto lamang kunin ang asong nakakaawa at ayaw magsampa ng kaso..
3) Kung pipiliin pa rin ninyong mag-post sa Facebook, huwag kalimutan ilagay ang mga detalye (iyong contact #, kumpletong address kung saan matatagpuan ang kawawang hayop, pangalan at contact # ng baragay official) kung sakaling may ibang makakatulong sa aso/pusa na malapit sa lugar.
Ang pagpapabaya sa alaga ay violation ng RA8485 The Animal Welfare Act.

- your name and contact # (landline and cell#) - para handa po mag-coordinate
- name and complete address of neglectful pet owner - hindi po puwede magsulat ng warning letter na "to whom it may concern"
- barangay official's name / contact #s / barangay hall address -- para makahingi kami ng escort or back up kung kinakailangan kung mahirap kausapin ang pet owner. Mga ordinaryong mamamayan din po ang mga PAWS Volunteers. Kung walang tao sa bahay kung dumating ang aming volunteer, ang barangay ay inaasahan na mag-serve ng letter, mag-monitor at mag-update sa amin.
- witness affidavit (click here for a sample in English) / click here for a sample in Filipino) - Ang witness affidavit ay sinumpaan salaysay tungkol sa na-witness na pagpapabaya sa hayop. Sinasagot nito ang mga tanong tulad ng: Paano niyo nalaman na pinapabayaan o minamaltrato ang aso/pusa? Ano ang inyong nakita? Ano ang inyong narining? Kailan ito nakita? Saan ito nakita/naganap? Kailangan ang affidavit bago pa man may pumuntang volunteer sa bahay ng pabayang may-ari dahil ito ay isang supporting document para makapag-coordinate kami with the barangay o pulis, lalo na kung kailangan i-confiscate ang aso/pusa at mag-file ng charges. Wala pong arresting powers ang PAWS. At ang pulis naman ay hindi gagalaw kung walang legal supporting document na maipapakita.
- YES or NO? -- Handa po ba kayo kumupkop sa hayop na inyong nirereport kung i-confiscate ito galing sa may-ari o kung i-turnover ito ng may-ari? Kinakailangan na may kumupkop sa aso/pusa dahil puno na po ang shelter. Handa kami magbigay ng vet assistance sa PAWS clinic kung mayroong mag-aalaga sa aso/pusa ng pansamantala hanggang magkaroon ng espasyo sa shelter.
Ipadala ang lahat ng detalye sa [email protected]
Ang mangyayari dito, depende sa kung gaano kabilis ang inyong pag-submit ng impormasyon at affidavit at kung kelan maisasaayos ng PAWS: Magbibigay ang PAWS ng warning letter sa pabayang amo. Depende sa lugar, maaari rin magpadala ng PAWS volunteer upang tingnan ang kundisyon ng aso. Hindi po ipapaalam sa kapitbahay ninyo na kayo ang nagsumbong sa PAWS. Kapag hindi pa rin naging maayos ang pagtrato sa hayop, saka lang magsasampa ng demanda ang PAWS sa tulong ng inyong affidavit at saka lamang malalaman ng accused kung sino ang witness. (The accused only learns of the identity of the witness when the case has been filed at the City Prosecutor's Office. This is because it is the right of the accused to know who has borne witness against him.)
3. Pwede din idiretso na po ninyo ang pagsampa ng demanda. Kailangan din ninyong gumawa ng sinumpaang salysay o affidavit upang maisampa ito sa inyong City Prosecutor's Office. Wala po kayong gagastusin maliban sa pamasahe.
Tandaan lamang na kailangan namin ang inyong pakikpagtulungan at commitment kung napagdesisyunan ninyong gawin ang option 2 o option 3. At sakaling umabot din tayo sa puntong kailangan nating kunin ang alagang hayop ng pabayang may-ari, kapag puno ang shelter, maaring kailanganin ninyong pansamantalang bigyan ng silong (foster) ang hayop na ito. Kung hindi po kayo pwedeng mag-foster, pwede po kayong humanap ng iba na pwedeng gawin ito.
NOTE:
Kapag hindi umubra ang friendly approach, walang ibang paraan kung hindi magsampa ng kaso. Hindi papayag ang PAWS na kunin lamang ang aso ng walang kaakibat na demanda dahil:
1) Wala kaming authority na basta kunin ang aso nang walang 'legal basis'. Hindi kami sangay ng gobyerno- kami ay isang NGO.
2) Hindi matututo ang nagpabayang may-ari ng aso. Kukuha lang ito ng ibang aso at ganun ulit ang gagawin dahil iisipin nyang hindi krimen ang ginawa nyang neglect. Krimen po ang neglect at cruelty. Ang tanging dahilan kung bakit hindi sineseryoso ang batas na ito ay dahil sa wala pong gumagawa ng affidavit at nagsasampa ng kaso. Lahat ng taong naaawa ay gusto lamang kunin ang asong nakakaawa at ayaw magsampa ng kaso..
3) Kung pipiliin pa rin ninyong mag-post sa Facebook, huwag kalimutan ilagay ang mga detalye (iyong contact #, kumpletong address kung saan matatagpuan ang kawawang hayop, pangalan at contact # ng baragay official) kung sakaling may ibang makakatulong sa aso/pusa na malapit sa lugar.
Ang pagpapabaya sa alaga ay violation ng RA8485 The Animal Welfare Act.
HALIMBAWA NG NEGLECT CASE
Susan was one of those who used to watch helplessly as the condition of her neighbor's dog deteriorated. She pleaded with her neighbor and tried to educate her but her pleas fell on deaf ears.
In the end though, Susan realized that if she did not stand up for Shella the dog, the irresponsible neighbor would just keep on acquiring dogs and neglecting them.
Pet neglect is a crime under the Animal Welfare Act or RA 8485 but hardly any one files a case for pet neglect out of fear of getting into a fight with their neighbors.
PAWS helped Susan file the case in court and put Shella into protective custody.
"Akala ko talaga, hopeless na, (I thought the situation was hopeless)" she said to us when she visited and stopped when she saw Shella in her kennel at the shelter. The dog instantly recognized her 'feeder' and rescuer.
"Ang ganda na niya (She's so pretty now)," a teary-eyed Susan said when we took the photo below.