Philippine Animal Welfare Society (PAWS) - FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQS)
  • HOME
  • COMMON PUBLIC MISCONCEPTIONS ABOUT PAWS
  • ADOPTION: How do I adopt from PAWS?
    • How can I adopt a dog/cat, I don't live in Manila?
  • ADMISSION / ABANDONMENT: Can PAWS adopt/take my pet? Can I donate my pet to PAWS?
    • ADMISSION Policy and REHOMING ASSISTANCE Policy
    • ADMISSION AND REHOMING: 11 Reasons PAWS Cannot "Adopt" Your Pet
    • CAN PAWS TAKE MY PET? [VIDEO]
    • Nag-aampon o tumatanggap ba ng aso o pusa ang PAWS?
    • Aggressive (Matapang/Wild) Dog. Can we surrender?
  • ANIMAL CONTROL VS ANIMAL WELFARE
  • ANIMAL WELFARE LAWS
  • BRANCH OF PAWS: Are there other PAWS branches? Sana may PAWS dito!
  • CITY POUND: Help! My dog was caught and was taken to the pound. Is this right/legal?
    • HOW NOT TO REPORT ABOUT THE CITY POUND
    • BACOLOD CITY POUND EMAIL FROM GLENN
  • CRUELTY: Hit-and-Run Case
  • CRUELTY: How To Report Animal Cruelty + Calling 117
  • CRUELTY: Online photos / videos / links, what can I do about these?
    • Online Cruelty: CRUSH VIDEOS
    • Online Cruelty: Marie Jhane Gonzales fb post (dog who ate slippers)
    • Online Cruelty: PAWS Response to Facebook Crush Video
  • DOG BITES: Help! I was bitten by a dog. What do I do?
  • DONATE: How can I donate to PAWS?
  • FOSTER: Temporarily keeping a rescue is one of the most important things a volunteer or concerned citizen can do. What does it take to foster?
  • HOARDING AND IRRESPONSIBLE RESCUING
  • HUMANE EDUCATION - BARANGAYS / SUBDIVISIONS : Does PAWS give seminars for barangays on animal care, catching of strays, responsible pet ownership?
  • HUMANE EDUCATION: School Tours / Student Interviews / School Visits
  • NEGLECT: My neighbor is beating their pet. My neighbor is not giving food/water/shelter.
    • NEGLECT (TAGALOG): May nakita akong alagang aso/pusa na pinapabayaan
    • NEGLECT CASE: HOW NOT TO REPORT
  • NEGLECT: Pet shops (Animals are malnourished, not fed, kept in small/cramped cages, etc.)
  • NEIGHBOR COMPLAINING ABOUT OUR PETS
  • PET SHOPS / PETS FOR SALE: Is it ok to buy from a pet shop? Is it legal to sell animals in the streets?
    • How do we get rid of puppy mills?
    • I did my research and I really want a purebreed. Any tips on how to choose?
  • REHOMING ASSISTANCE
  • RESPONSIBLE PET OWNERSHIP
    • Responsibilities of a Pet Owner (RA9482 The Anti Rabies Act)
    • PROOF OF OWNERSHIP
  • RESPONSIBLE RESCUING
  • SHELTER CLEANING PROGRAM
  • SHELTER FEEDING PROGRAM
  • SICK PET: Help, my pet is sick. What do I do?
    • (Tagalog) Maysakit ang alaga
  • SPAY/NEUTER: Benefits
    • SPAY/NEUTER: What to expect / How much?
    • SPAY/NEUTER: When will there be an Outreach here in my province?
    • SPAY/NEUTER: When is the next free spay/neuter at PAWS? Sana meron din dito sa province namin.
    • S/N Outreach: How much will it cost, How to organize?
  • STRAY-RESCUE: What To Do With Rescues and Stray Emergencies
    • STRAY-RESCUE: How do I admit this poor puppy/kitten/cat/dog I saw on the streets?
    • STRAYS - How to get them off the streets?
    • STRAYS: Why are there stray cats and dogs?
    • ACTUAL REPORT: Dog with cyst. Need assistance.
    • ACTUAL REPORT: Abandoned dog
    • ACTUAL REPORT: Run-over stray dog with bone sticking out
    • ACTUAL REPORT: Stray dog in bad condition beside hospital
  • STRAY/RESCUE: Dog/Cat Stuck In Tree/Roof/Sewer/Creek/Etc
  • STRAYS/PETS OUT IN THE RAIN/TYPHOON
  • STRAY CATS: Trap-Neuter-Return (TNR)
  • TNR - How to do community TNR
  • VET SERVICES: Does PAWS offer vet services?
  • VET MALPRACTICE: My pet died at the vet, I think this is negligence, how can I complain about it?
  • VOLUNTEER: How do I become a PAWS volunteer? / I'm not from Manila, how can I volunteer? / Can kids volunteer?
  • WHY DO DOGS BITE?
  • ABANDONED DOGS, PUPPIES, CATS, KITTENS - Can PAWS rescue them?
  • ABANDONED NURSING KITTENS: Help! I found these little kittens and I don't know how to take care of them.
  • BABIES AND PETS
  • BEHAVIOR AND TRAINING: My dog has biting/aggressive problems, etc? What do I do?
  • BOARDING: Can I board my pet at PAWS? Can my pet stay temporarily at PAWS?
  • BURIAL/CREMATION: Does PAWS offer these services?
  • CONDO DOES NOT ALLOW PETS
  • DR. DOG : How can my dog be a part of the Dr. Dog Program?
  • EXOTIC PETS: Is it legal to keep exotic animals?
  • FOUND PET
  • LOST PET: My pet is missing. Can you help me?
  • NEW YEAR'S TIPS
  • ON DOLPHINS, COCKFIGHTING, ETC.
  • PAWS LOGO: Can our group use the PAWS logo for our event that will benefit PAWS? Can I use the PAWS logo for my blog?
  • TRAVEL WITH PET
  • PAWS Facebook Posting Guidelines
  • PREPARING FOR DISASTERS
  • 5 Freedoms
Picture

"Maraming pusa sa bahay/garahe/garden/bakuran/
condo/office namin. Hindi namin sila pusa. Ano ang puwede naming gawin para mawala sila?

Picture
Ito ay ang karaniwang tawag o sulat sa PAWS.

Ang pusang gala (feral o wild cats o formerly-owned / dating may may-aring pusa) ay pumupunta lamang sa isang lugar na meron silang mapagkukunan ng pagkain.

IMPORTANT NOTE:

Pag kinuha o itinapon ang pusa sa ibang lugar, mapapalitan din ito ng mga bagong pusa na papasok sa inyong  bahay/garahe/garden/ bakuran/ condo/ office  dahil sa tinatawag na “holding capacity” .

Ano ang "HOLDING CAPACITY"?

Picture
Ito ay ang pinagkukunan ng pagkain o tubig ng hayop – mapa-aso, pusa o daga – sa isang lugar. Maaaring may nagbibigay ng pagkain, o di kaya’y may naka-“expose” na basura na pinagkukunan ng pagkain.

Lahat ng lugar ay may sinusuportang hayop na nabubuhay sa mga tira-tirang pagkain. Lahat ng lugar ay may “holding capacity”. Sa mga malilinis at highly-commercialized establishments o lugar, mas maliit ang holding capacity kaya’t halos walang stray cat  o pusang gala sa mga ito. 

Ang mga komunidad na ito ay may mga “effective garbage-collection and keeping systems “ (epektibong pagkolekta ng basura) kaya’t  hindi na halos pino-problema ang stray animals o galang hayop sa kanilang lugar.

Sa maraming residential neghborhoods, hindi posible ang pag-liit ng “holding capacity” sa kadahilanang kahit maisaayos ng isang subdivision o barangay ang kanilang garbage collection o management system, hindi naman lagging naisasaayos ng kalapit-barangay ang problemang basura.

ANO ANG MABISANG PARAAN NANG MAISAAYOS ANG PROBLEMA?

Ang TNR o “Trap-Neuter-Return” ang pinakamabisang paraan ng pag-control ng populasyon ng mga pusa sa isang lugar. Dahil ang kapong pusa ay hindi na manganganak o makakabuntis, hindi na madadagdagan pa ang kasalukuyang bilang ng pusa sa isang lugar. Maging ang mga pusa sa kalapit-lugar ay hindi na rin papasok sa isang lugar na may mga kapon ng pusa.

Ang mga kapong pusa ay pangangalagaan ang kanilang “source of food” at hindi nila papayagang may kaagaw sila dito.  Kapag ang pusa ay hindi kapon at nanganak, i-si-ni-share  o ibinabahagi nya ang pagkain sa mga anak nya kaya’t dumarami ang pusa sa isang lugar kapag hindi sila kapon.

Kapag kapon lahat ng mga pusa sa isang lugar, hindi na rin mapapalitan ang mga pusang namatay na (maliban na lamang kung namatay na lahat ang pusa at merong mga papasok na bagong pusa na makikinabang sa “holding capacity” resources /tira-tirang pagkain ng isang lugar.)

SINO ANG KUMUKUHA SA GALANG HAYOP?

Ang PAWS ay hindi kumukuha ng mga stray dogs o cats (galang aso o pusa). Ang City Pound o Animal Control ng Munisipyo ang gumagawa nito, ngunit hindi ito permanenteng solusyon. Ang pagkuha at pagpatay (“trap and kill” method) na ginagawa ng City Pounds ay paulit-ulit na nangyayari  sa kadahilanang walang malakihang ‘spay/neuter (kapon) programs’ ang karamihan sa ating mga LGUs o Local Government Units.

ANO ANG PWEDE MONG GAWIN?

Makipag-usap sa community leaders (bgy captain, subdivision president) tungkol sa TNR at makipag-coordinate sa isang lisensyadong beterinaryo na marunong magkapon  sa inyong lugar na magbigay ng charity rate sa pagkapon ng community stray cats.

Kung  ang komunidad ay makikipag tulungan sa PAWS para sa TNR, may kaukulang kasunduan na:

1.    Hindi ipapahuli sa City Pound ang mga nakapong pusa (sayang lamang ang pagkapon kung sila ay papatayin din)

2.    Ang buong komunidad ay magiging involved sa pagsunod sa guidelines ng TNR tulad ng:
  • “humane trapping” (pag-trap na hindi nasasaktan ang mga na-trap na hayop)
  •  “managed feeding” (pagpapakain ng tira sa tamang oras at lugar lamang)
  •  “non-taming” of cats (ang di paghawak o paghipo o pag-amo sa mga pusang na TNR)
  •  information dissemination na lahat ng mga pusang may “ear-notches” o marka sa tenga ay mga TNRd cats na dapat pinapangalagaan ng komunidad.
  •  .. at iba pa.
Mag-email sa PAWS sa [email protected]  o di kaya’y tumawag sa 475-1688 (Lunes hanggang Sabado lamang, 10am to 5pm) tungkol sa pagpapasimula ng Programang TNR sa inyong komunidad.


BE A RESPONSIBLE FEEDER / MAGING RESPONSABLE

Picture
"Pinakain ko lang ang isa o dalawang pusa sa bahay, ngayon dumami na sila at inirereklamo na kami ng kapitbahay namin ano ang gagawin ko?"

Ang pusang gala (feral o wild cats o formerly-owned / dating may may-ari) ay pumupunta lamang sa isang lugar na meron silang pagkukunan ng pagkain.

MAHALAGANG PAALALA:

Kung ikaw ay nagdesisyon na magpakain ng stray cats o  mga pusang gala, importanteng ipakapon mo sila.

Kung hindi sila kapon, magbe-breed sila at dadami.

Maling pagmamalasakit ang pagpapakain sa galang pusa ng walang kaakibat na pagpapakapon

Kadalasan sa mga nagpapakain ng ligaw/gala o stray na pusa ay nape-persecute o nakakaaway at pinagtutulong-tulungan  ng mga kapitbahay at komunidad, lalo na’t hindi pinapakita ng taga-pakain o “feeder” na sya ay “responsible feeder”  o nagpapakapon at nagsisimula ng TNR effort sa kanilang komunidad.

ANG RESPONSABLENG FEEDER

Picture
Ang responsableng tagapag-pakain ng galang pusa ay inihahanda ang pag-trap ng pusa upang sila ay makapon sa lalong madaling panahon.

Makakahiram ng cat trap sa PAWS o di kaya’y sanayin na pinapakain ang pusa sa loob ng malaking cage para mas madaling isara at i-trap sila pag dumating ang panahon.

Nakikipag coordinate sa PAWS o ibang animal welfare group para sa TNR effort. 

Ipinapaalam sa komunidad nya  ang tungkol sa TNR at kung bakit ito mahalaga. 


For FLYER/BROCHURE that can be downloaded, printed and disseminated in your neighborhood, barangay, schools, and homeowners association, please click on the following links:

tnr_english.pdf
File Size: 633 kb
File Type: pdf
Download File

tnr_flyer_half-bond_tagalog.pdf
File Size: 451 kb
File Type: pdf
Download File

tnr_3fold_brochure_tagalog.pdf
File Size: 490 kb
File Type: pdf
Download File

Powered by Create your own unique website with customizable templates.