Philippine Animal Welfare Society (PAWS) - FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQS)
  • HOME
  • COMMON PUBLIC MISCONCEPTIONS ABOUT PAWS
  • ADOPTION: How do I adopt from PAWS?
    • How can I adopt a dog/cat, I don't live in Manila?
  • ADMISSION / ABANDONMENT: Can PAWS adopt/take my pet? Can I donate my pet to PAWS?
    • ADMISSION Policy and REHOMING ASSISTANCE Policy
    • ADMISSION AND REHOMING: 11 Reasons PAWS Cannot "Adopt" Your Pet
    • CAN PAWS TAKE MY PET? [VIDEO]
    • Nag-aampon o tumatanggap ba ng aso o pusa ang PAWS?
    • Aggressive (Matapang/Wild) Dog. Can we surrender?
  • ANIMAL CONTROL VS ANIMAL WELFARE
  • ANIMAL WELFARE LAWS
  • BRANCH OF PAWS: Are there other PAWS branches? Sana may PAWS dito!
  • CITY POUND: Help! My dog was caught and was taken to the pound. Is this right/legal?
    • HOW NOT TO REPORT ABOUT THE CITY POUND
    • BACOLOD CITY POUND EMAIL FROM GLENN
  • CRUELTY: Hit-and-Run Case
  • CRUELTY: How To Report Animal Cruelty + Calling 117
  • CRUELTY: Online photos / videos / links, what can I do about these?
    • Online Cruelty: CRUSH VIDEOS
    • Online Cruelty: Marie Jhane Gonzales fb post (dog who ate slippers)
    • Online Cruelty: PAWS Response to Facebook Crush Video
  • DOG BITES: Help! I was bitten by a dog. What do I do?
  • DONATE: How can I donate to PAWS?
  • FOSTER: Temporarily keeping a rescue is one of the most important things a volunteer or concerned citizen can do. What does it take to foster?
  • HOARDING AND IRRESPONSIBLE RESCUING
  • HUMANE EDUCATION - BARANGAYS / SUBDIVISIONS : Does PAWS give seminars for barangays on animal care, catching of strays, responsible pet ownership?
  • HUMANE EDUCATION: School Tours / Student Interviews / School Visits
  • NEGLECT: My neighbor is beating their pet. My neighbor is not giving food/water/shelter.
    • NEGLECT (TAGALOG): May nakita akong alagang aso/pusa na pinapabayaan
    • NEGLECT CASE: HOW NOT TO REPORT
  • NEGLECT: Pet shops (Animals are malnourished, not fed, kept in small/cramped cages, etc.)
  • NEIGHBOR COMPLAINING ABOUT OUR PETS
  • PET SHOPS / PETS FOR SALE: Is it ok to buy from a pet shop? Is it legal to sell animals in the streets?
    • How do we get rid of puppy mills?
    • I did my research and I really want a purebreed. Any tips on how to choose?
  • REHOMING ASSISTANCE
  • RESPONSIBLE PET OWNERSHIP
    • Responsibilities of a Pet Owner (RA9482 The Anti Rabies Act)
    • PROOF OF OWNERSHIP
  • RESPONSIBLE RESCUING
  • SHELTER CLEANING PROGRAM
  • SHELTER FEEDING PROGRAM
  • SICK PET: Help, my pet is sick. What do I do?
    • (Tagalog) Maysakit ang alaga
  • SPAY/NEUTER: Benefits
    • SPAY/NEUTER: What to expect / How much?
    • SPAY/NEUTER: When will there be an Outreach here in my province?
    • SPAY/NEUTER: When is the next free spay/neuter at PAWS? Sana meron din dito sa province namin.
    • S/N Outreach: How much will it cost, How to organize?
  • STRAY-RESCUE: What To Do With Rescues and Stray Emergencies
    • STRAY-RESCUE: How do I admit this poor puppy/kitten/cat/dog I saw on the streets?
    • STRAYS - How to get them off the streets?
    • STRAYS: Why are there stray cats and dogs?
    • ACTUAL REPORT: Dog with cyst. Need assistance.
    • ACTUAL REPORT: Abandoned dog
    • ACTUAL REPORT: Run-over stray dog with bone sticking out
    • ACTUAL REPORT: Stray dog in bad condition beside hospital
  • STRAY/RESCUE: Dog/Cat Stuck In Tree/Roof/Sewer/Creek/Etc
  • STRAYS/PETS OUT IN THE RAIN/TYPHOON
  • STRAY CATS: Trap-Neuter-Return (TNR)
  • TNR - How to do community TNR
  • VET SERVICES: Does PAWS offer vet services?
  • VET MALPRACTICE: My pet died at the vet, I think this is negligence, how can I complain about it?
  • VOLUNTEER: How do I become a PAWS volunteer? / I'm not from Manila, how can I volunteer? / Can kids volunteer?
  • WHY DO DOGS BITE?
  • ABANDONED DOGS, PUPPIES, CATS, KITTENS - Can PAWS rescue them?
  • ABANDONED NURSING KITTENS: Help! I found these little kittens and I don't know how to take care of them.
  • BABIES AND PETS
  • BEHAVIOR AND TRAINING: My dog has biting/aggressive problems, etc? What do I do?
  • BOARDING: Can I board my pet at PAWS? Can my pet stay temporarily at PAWS?
  • BURIAL/CREMATION: Does PAWS offer these services?
  • CONDO DOES NOT ALLOW PETS
  • DR. DOG : How can my dog be a part of the Dr. Dog Program?
  • EXOTIC PETS: Is it legal to keep exotic animals?
  • FOUND PET
  • LOST PET: My pet is missing. Can you help me?
  • NEW YEAR'S TIPS
  • ON DOLPHINS, COCKFIGHTING, ETC.
  • PAWS LOGO: Can our group use the PAWS logo for our event that will benefit PAWS? Can I use the PAWS logo for my blog?
  • TRAVEL WITH PET
  • PAWS Facebook Posting Guidelines
  • PREPARING FOR DISASTERS
  • 5 Freedoms

* Nag-aampon o tumatanggap ba ng alagang aso o pusa ang PAWS?
* Puwede ko ba i-donate ang aso o pusa ko sa PAWS?
* Puwede ko ba ibigay ang alaga kong aso o pusa sa PAWS at babayaran ko nalang ang pagkain?
* Puwede niyo ba kunin yung aso/pusa ko dito? Hindi ko na kayang alagaan. Napulot ko lang siya at ni-rescue.
* Puwede kunin niyo ang aso/pusa dito? Hindi naman talaga akin pero pinapakain ko, pero hindi ko na kaya alagaan ngayon.
*Lilipat kami ng bahay, hindi puwede yung alaga ko... puwede sa PAWS dalhin?



Panoorin at pakinggan po ang video na ito
Top Reasons for Abandonment
Basahin ang poster na ito at makikita ang mga madalas na dahilan kung bakit inaabandona ang alaga

Hindi tumatanggap, umaampon, kumukuha o nagpi-pickup ng alagang aso at pusa ang PAWS na ayaw na o hindi na kayang alagaan - sa kahit anong dahilan. Walang special cases.

Isa po sa karaniwang maling akala ng marami tungkol sa shelter ng PAWS ay lagakan ito ng mga galang hayop, hayop na may sakit o injured o lagakan ng mga alagang hayop na ayaw na o hindi na kayang alagaan. Kaya't pinapaliwanag namin na ang PAWS Animal Rehabilitation Center (PARC) ay isang limited-admission shelter na exclusive para sa mga tunay na rescue cases na ugnay sa mga kasong sinampa ng PAWS laban sa animal offenders at irresponsible owners. 

Hindi kumukuha, tumatanggap o umaampon ng owned pets (binili man, binigay, napulot o ni-rescue ang alaga na pinapakain) ang PAWS. Hindi din po tumatanggap ng bayad o donation ang PAWS bilang kapalit sa pagtanggap ng alaga sa shelter.

Hindi din po puwede i- "donate" ang alaga sa PAWS. Sa totoo lang, hindi donation ang pagbigay ng alaga sa PAWS. Ang ibig sabihin ng donation ay tulong (in-cash o in-kind) na inaabot sa isang organisasyon para magampanan at mapagpatuloy ang mga layunin nito. Hindi po tulong ang matatanggap ng PAWS kapag nag-"donate" ng alaga dahil dadagdagan niyo pa ng hayop na kailangan pakainin at alagaan ang shelter na punong-puno na at limitado lamang ang resources. Hindi ito donation kundi ABANDONMENT o ang pagtakwil sa responsibilidad bilang pet owner.

Ang city pound lang ang agency na tumatanggap ng abandonment cases at owned pets na ayaw na o hindi na kayang alagaan ng kanilang may-ari. Desisyon po ninyo kung papayag kayo na i-abandona ang alaga sa city pound lalo na at hindi masisigurado na ang mga aso na inilagak sa city pound ay bibigyan ng sapat ng pagkain, tubig o silong, at hindi imamaltrato. At pagkatapos ng holding period (minsan ilang araw lang o nakakatagal ng 1-2 na linggo depende sa city ordinance), ipinapatulog ang mga aso kung walang umampon o mag-claim sa kanila. Hindi rin masisigurado na tama, legal at humane ang pagpatulog sa kanila dahil may ilan pa ring mga city pound na gumagamit ng Tambucho Gassing kahit ito ay labag sa batas. Kung ayaw na alagaan ang alaga at ayaw ipakapon, ang city pound lang po ang tatanggap sa kanila - at nasa inyo na po kung ok lang mangyari ang mga nabanggit sa iyong alaga.

Ang sinusulong po ng PAWS ay RPO o RESPONSIBLE OWNERSHIP, sa ilalim nito ay dalawa sa tinataguyod naming campaigns. A Pet Is A LIFETIME Commitment at Spay/Neuter o KAPON.  

Kahit pa animal lovers, lagi pa rin namin pinapayuhan ang madla na bago pa man umampon o kumupkop ng alagang hayop ay i-assess at tiyakin muna ang sariling kakayahan bilang pet owner - kung handa ito financially, emotionally, may oras, may espasyo at handa itong magcommit ng lifetime commitment sa tungkulin  -  sa hirap at ginhawa.

Tungkulin po ng pet owner, maliban sa pagbigay ng sapat na pagkain, maayos na silungan at medical care ay ang pagbigay ng sapat na exercise, tamang socialization, basic training at ang pagkapon. Bago pa man magdesisyon na mag-alaga ng aso o pusa, ay dapat pinag-isipan at pinag-handaan ang pag-aalaga sa kanila buong buhay nila. Kung hindi ito kayang gampanan, ang pinakaresponsableng gawin ay huwag nalang mag-uwi at mag-alaga ng hayop.

Ang responsible owner ay pinapakapon rin ang alaga para maiwasan ang pagdami nito, at para rin maiwasan ang sitwasyon na hindi na kayang alagaan ang mga ito. Ang responsible owner ay hindi rin bastang isusurrender ang alaga ng hindi muna sinubukan ang lahat ng puwedeng hakbang na mare-home ito.

Basahin po ng maigi ang mga sumusunod na links tungkol sa PAWS admission policy,  abandoment, bakit hindi nag-aadmit ang PAWS ng owned pets at impormasyon tungkol sa pagkaKAPON. 
  • Does PAWS "Adopt" Cats/Dogs? ADOPTION or ABANDONMENT
  • PARC Admission Policy
  • 11 Reasons Why PAWS Does Not "Adopt" Owned Pets - in particular lists the common reasons PAWS receives on why people want to abandon their pets and why these reasons are not acceptable. It also lists what pet owners can do for their dogs.
  • Spay/Neuter (Kapon)
    • What is spay/neuter? (Ano ang ibig sabihin ng kapon?)
    • Spay/Neuter: Benefits
    • Spay/Neuter: What to expect?
    • Spay/Neuter: Myths and Facts

Pakibasa rin po ang mga sumusunod kung ano ang magagawa niyo at sa anong paraan tumutulong ang PAWS:

Ang dapat gawin ng Responsableng May-ari: 
  1. Spay/neuter (KAPON) pets - Madalas namin naririnig ang "puwede ninyo kunin / puwede namin ibigay sa inyo dahil masyado sila marami" -- Ipakapon ang mga alaga para hindi sila mag-breed at hindi mabuntis, at para hindi sila dumami na hindi na kayang alaagan ng mabuti. Iniiwasan din ang unwanted o surprise litters na mga tuta o kuting na ipapamigay, iaabandona o ido-"donate". Ang pagkapon ay nagbabawas din ng negative behavior (tulad ng aggression, tendency to roam, urine marking) na idinudulot ng hormones.  (Spay/neuter o pagkapon ay maaaring gawin ng iyong trusted licensed vet o sa low-cost PAWS Clinic)
  2. Magbigay ng sapat na oras para sa bonding time, ehersisyo, play time, training at socialization. Huwag iiwan nakatali o nakakulong  --- para hindi maging mabagsik/matapang ang alaga at hindi mangagat. Madalas na dahilan kung bakit ayaw na sa alaga ay dahil ito ay nangagat o takot na ang may-ari sa kanyang alaga.
  3. Mag-attend ng training sessions kung may behavior problems ang alaga (Basahin: BEHAVIOR PROBLEMS, ANO ANG GAGAWIN KO?)
  4. Siguraduhin na up-to-date ang mga bakuna - hindi lang ng anti-rabies na kailangan annually by law, pero pati na rin bakuna laban sa mga sakit: 5-in-1 para sa aso, 3-in-1 para sa mga pusa para maiwasan ang mga sakit
  5. Bago pa man umampon o kumupkop ng alagang hayop ay i-assess at tiyakin muna ang sariling kakayahan bilang pet owner - kung handa ito financially, emotionally, may oras, may espasyo. (Only own the number of pets you can responsible care for and give lifetime commitment as well as the exercise, socialization, training and vet care they need.)
    --- Kung nagre-rent lang ng bahay o apartment, siguraduhin na may permission galing sa landlord na maaaring mag-alaga ng hayop at in-writing o nasa contract ang agreement na ito.
    --- Huwag lumipat ng bahay kung hindi puwede ang alaga sa bagong tahanan, o maghanap ng ibang bahay kung saan puwede ninyo isama ang mga alaga.
  6. Biglang nagka-allergy? Hindi ito excuse para i-abandona ang alaga. (Basahin: How to minimize allergies)
  7. May bagong baby? Hindi din ito excuse para ipamigay ang alaga. (Basahin: Babies Who Live with Pets)

Maghanap ng responsableng kakilala na handang kumupkop sa alaga kung hindi talaga kaya alagaan ang aso/pusa --- Exert your best effort and take responsibility in finding your pet a new loving home by asking friends, family, officemates, schoolmates, churchmates, etc. Post your own adoption plea in your own Facebook page or online blog.

Hindi mapupunta sa mga taong nangangatay ang iyong alaga kung hahanapan ninyo ng responsableng mag-aalaga sa aso/pusa kung talagang hindi puwede manatili sa inyo ang alaga.

Bagamat hindi maaring i-admit ang alaga niyo, ang maitutulong ng PAWS:
  1. low-cost kapon at vet services - kung may sakit o masamang kondisyon ang alaga, o kung hindi pa kapon

    rates of vet services at the PAWS Clinic: http://www.paws.org.ph/veterinary-services.html
    PAWS Clinic Hours:
    1:00-3:00pm for consultations
    spay/neuter - by appointment only
    Mondays, Tuesdays, Thursdays, Fridays, Saturdays.
    Closed on Sundays and holidays.
    No pick-up service. No home service. No confinement.


  2. behavior training na isinasagawa sa PAWS (kung may behavior problem o nangangagat ang alaga) - kailangan ang owner/handler at ang alaga ay sabay mag-attend ng lahat ng sessions. Depende po ito sa availability ng behavior rehab volunteer. Tumawag sa PARC Office landline # 475-1688 sa oras ng 10am-12nn, 1pm-5pm Mondays to Saturdays except holidays para mag-schedule ng mga training sessions.

  3. Rehoming Assistance - FREE advertising ng rehoming photo sa aming social network at FREE adoption screening (Read: REHOMING ASSISTANCE)

    Para sa rehoming assistance ay kailangan mapasa ang mga sumusunod na kondisyon:
    a) nagawa na lahat ng maaring hakbang para mare-home ito (ibigay po sa amin ang link kung saan 
        pinost ang iyong rehoming plea sa Facebook, etc)
    b) walang sakit / updated vaccination records
    c) hindi aggressive/walang behavior problem
    d) kapon na ito

    Kung pasado sa lahat ng kondisyon, i-email ang magandang larawan ng aso/pusa, pangalan, edad, kasarian at mga magagandang katangian sa TO: [email protected] CC: [email protected] SUBJECT: REHOMING ASSISTANCE. Kung pina-kapon ito sa ibang vet clinic, humingi ng Spay/Neuter Certificate galing sa vet at ipadala ito sa amin o paki-bigay na rin ang pangalang ng vet, vet clinic at contact numbers for verification.


    Paalala:
    1. Ang PAWS ay hindi maaaring mag-post ng rehoming photo kung :
    - hindi kapon ang alaga dahil ito ay isa sa mga dahilan ng stray population at abandonment problem
    - nangangagat o may behavior problem
    2. Habang naghihintay o nagi-iscreen ng potential adopters, mananatili ang mga aso sa inyo, HINDI SA PAWS. Hindi puwede madaliin ang pag-rehome ng alaga.
    3. Kapag meron nang mag-aadopt, ang rehoming ay mula sa bahay niyo derecho sa bahay ng adopter.

Higit na mas mataas ang bilang ng mga hayop na...
  • nangangailangan
  • may mga pabayang may-ari at malulupit na tao
  • abandoners
  • at mga owners na hindi pinapakapon ang alaga
kumpara sa bilang ng mga taong tumutulong, nag-aampon sa shelter, nagfo-foster at nagpapakapon ng kanilang alaga.

Sa animal welfare org, sa lipunang laganap ang homelessness, neglect, cruelty, irresponsibility, pagbabalewala sa kahalagahan ng pagkapon - ang paghiling na ilagak sa org ang isang alaga pag nagkaroon ng problema ay nasa ilalim ng kategoryang ABANDONMENT - ano pa man ang dahilan o kahit anong pagpapahayag ng pagmamahal sa hayop at mabigat sa damdamin nila ang pag-surrender nito.

Kung talagang mahal ang alaga, hindi ito iaabandona sa pound o shelter, itatapon sa kalye o ililigaw, at hindi rin ito ibebenta o ipamimigay sa iba na alam na kakatayin lang ang aso. Kawawa nga sila kung gagawin niyo po ito kaya't pagsikapan na ipakapon at i-rehome sila responsibly kung hindi talaga maaaring manatili ang aso/pusa sa inyong pangangalaga.
Powered by Create your own unique website with customizable templates.