- HOME
- COMMON PUBLIC MISCONCEPTIONS ABOUT PAWS
- ADOPTION: How do I adopt from PAWS?
- ADMISSION / ABANDONMENT: Can PAWS adopt/take my pet? Can I donate my pet to PAWS?
- ANIMAL CONTROL VS ANIMAL WELFARE
- ANIMAL WELFARE LAWS
- BRANCH OF PAWS: Are there other PAWS branches? Sana may PAWS dito!
- CITY POUND: Help! My dog was caught and was taken to the pound. Is this right/legal?
- CRUELTY: Hit-and-Run Case
- CRUELTY: How To Report Animal Cruelty + Calling 117
- CRUELTY: Online photos / videos / links, what can I do about these?
- DOG BITES: Help! I was bitten by a dog. What do I do?
- DONATE: How can I donate to PAWS?
- FOSTER: Temporarily keeping a rescue is one of the most important things a volunteer or concerned citizen can do. What does it take to foster?
- HOARDING AND IRRESPONSIBLE RESCUING
- HUMANE EDUCATION - BARANGAYS / SUBDIVISIONS : Does PAWS give seminars for barangays on animal care, catching of strays, responsible pet ownership?
- HUMANE EDUCATION: School Tours / Student Interviews / School Visits
- NEGLECT: My neighbor is beating their pet. My neighbor is not giving food/water/shelter.
- NEGLECT: Pet shops (Animals are malnourished, not fed, kept in small/cramped cages, etc.)
- NEIGHBOR COMPLAINING ABOUT OUR PETS
- PET SHOPS / PETS FOR SALE: Is it ok to buy from a pet shop? Is it legal to sell animals in the streets?
- REHOMING ASSISTANCE
- RESPONSIBLE PET OWNERSHIP
- RESPONSIBLE RESCUING
- SHELTER CLEANING PROGRAM
- SHELTER FEEDING PROGRAM
- SICK PET: Help, my pet is sick. What do I do?
- SPAY/NEUTER: Benefits
-
STRAY-RESCUE: What To Do With Rescues and Stray Emergencies
- STRAY-RESCUE: How do I admit this poor puppy/kitten/cat/dog I saw on the streets?
- STRAYS - How to get them off the streets?
- STRAYS: Why are there stray cats and dogs?
- ACTUAL REPORT: Dog with cyst. Need assistance.
- ACTUAL REPORT: Abandoned dog
- ACTUAL REPORT: Run-over stray dog with bone sticking out
- ACTUAL REPORT: Stray dog in bad condition beside hospital
- STRAY/RESCUE: Dog/Cat Stuck In Tree/Roof/Sewer/Creek/Etc
- STRAYS/PETS OUT IN THE RAIN/TYPHOON
- STRAY CATS: Trap-Neuter-Return (TNR)
- TNR - How to do community TNR
- VET SERVICES: Does PAWS offer vet services?
- VET MALPRACTICE: My pet died at the vet, I think this is negligence, how can I complain about it?
- VOLUNTEER: How do I become a PAWS volunteer? / I'm not from Manila, how can I volunteer? / Can kids volunteer?
- WHY DO DOGS BITE?
- ABANDONED DOGS, PUPPIES, CATS, KITTENS - Can PAWS rescue them?
- ABANDONED NURSING KITTENS: Help! I found these little kittens and I don't know how to take care of them.
- BABIES AND PETS
- BEHAVIOR AND TRAINING: My dog has biting/aggressive problems, etc? What do I do?
- BOARDING: Can I board my pet at PAWS? Can my pet stay temporarily at PAWS?
- BURIAL/CREMATION: Does PAWS offer these services?
- CONDO DOES NOT ALLOW PETS
- DR. DOG : How can my dog be a part of the Dr. Dog Program?
- EXOTIC PETS: Is it legal to keep exotic animals?
- FOUND PET
- LOST PET: My pet is missing. Can you help me?
- NEW YEAR'S TIPS
- ON DOLPHINS, COCKFIGHTING, ETC.
- PAWS LOGO: Can our group use the PAWS logo for our event that will benefit PAWS? Can I use the PAWS logo for my blog?
- TRAVEL WITH PET
- PAWS Facebook Posting Guidelines
- PREPARING FOR DISASTERS
- 5 Freedoms
Puwedeng kunin ng PAWS ang aking aso dahil masyado matapang, hindi mahawakan, naging wild/aggressive.
Actual emails to PAWS:
ANSWER:
Hindi tumatanggap o umaampon ang PAWS ng mga alaga na ayaw na o hindi na kayang alagaan ng may-ari kahit ano pa man ang dahilan.
Abandonment po o pagtakwil sa alaga ang nais ninyong gawin. Taliwas po ang abandonment sa aming kampanya para sa responsible pet ownership. Basahin ng husto po upang maunawaan kung ano ang dapat gawin ng responsible pet owner at paano makakatulong ang PAWS – Tumatanggap ba ng aso/pusa ang PAWS?
Maliban na lamang kung ang aso ay 'rabid' (mas kilala sa ating lenggwahe bilang 'asong naulol'), hindi po basta-basta nangangagat o nagiging aggressive o hindi ma-control ang isang aso ng walang rason. Kadalasan, kaya nagagalit o nagiging out of control ang aso sa isang tao ay dahil hindi marunong o pamilyar ang taong ito sa 'behavioral cues' ng aso.
Sino ang pumiling mag-alaga ng aso?
Ang owner po ang may responsibilidad kung bakit ang behavior ng aso ay ganun. Kasama po sa pangangailangan ng mga aso ang regular na ehersisyo at socialization (hindi lang sa mga tao kundi pati na rin sa kapwa aso). Kung nagkulang kayo sa training o hindi mo na-socialize ang aso, isa ito sa dahilan kung bakit ganun po ang ugali ng iyong aso. Kung ito po ay nakatali o nakakulong lamang sa cage buong araw at walang panahong maipasyal o minsan lamang nilalabas, hindi po surprise na ito ay hindi ninyo ma-control o nagpapakita ng aggressive at destructive behavior.
Tatanungin na din po namin -- ang aso po bang ito ay kapon? Regular ba itong nailalabas upang ma-ehersisyo o nakatali o nakakulong lamang ng buong araw? May socialization (sa ibang tao at sa ibang hayop) nung bata pa siya hanggang sa lumaki? Baka po nasaktan na po siya dati kaya't nagiging defensive na siya dahil sa negative experience galing sa tao?
Inaasahan po namin na may bakuna po ang inyong alaga - requirement po ito taon-taon ng ating batas RA9482 The Anti Rabies Act.
Ano ang maaari mong gawin (at dapat ninyong subukan):
1. Patingnan sa beterinaryo ang inyong aso. Ipasuri kung mayroon bang sakit o pinsala sa kanyang katawan. Maaaring ito ang dahilan sa kanyang pag-uugali. Kung ayaw magpahawak ang alaga, tawagan ang inyong regular vet at tanungin siya kung puwede siya mag-home service sa inyo.
2. Ang pagkapon ng alagang hayop ay nakakatulong na mas madaling ma-manage ang kanilang behavior. Madalas din kasi, nagiging 'frustrated' ang isang hayop pagdating ng mating season at hindi ito makahanap ng mate. Ang frustration na ito ay nagma-manifest sa pagiging aggressive ng hayop.
Ang PAWS clinic ay nag-ooffer ng kapon sa mas mababang halaga kesa mga pribadong klinika. Para sa scheduling at rates: PAWS Vet Services
May iba ding mga clinic na mayroong low-cost kapon tulad ng City Vet Office, UP Vet, MACE Clinic, PSPCA, CARA Clinic.
3. Kailangan din na regular na may ehersisyo at nailalabas ang alagang aso upang magkaroon ng outlet ang enerhiya niyo. Kailangan din siyang regular na naso-socialize upang hindi maging mabangis at mapanira. Kapag nakatali o nakakulong lamang ito ng buong araw, ito ay nagiging frustrated at nagiging out of control o agresibo o mabangis. Kung dati ay lagi siyang nakatali, maiintindihan namin kung bakit ayaw na siya magpahawak ngayon dahil itatali lang siya ulit. Dapat po ay nailalabas siya at naipapasayal ng naka-leash at may kasamang tao.
4. Mag-attend ng training sessions sa tulong ng behavior school (tingnan po ang link sa baba tungkol sa aggressive dog). Magbigay ng oras para sa aso na inyong piniling alagaan.
Basahin din po ang impormasyon na nasa link na ito para sa karagdagang impormasyon at kaalaman -- Help! My dog is aggressive.
Kung ayaw o hindi kayang gawin ang nabanggit na steps sa itaas para matugunan ang behavior ng alaga para mabago ang ugali ng alaga at para mapanatili ang alaga sa iyong tahanan, ipapalam ko po ang iba pang options ngunit hindi po namin ito nirerekomenda:
A. Ang pound (o City Vet) lang po ang tumatanggap ng mga alaga na ayaw na o hindi na kayang alagaan ng may-ari.
Tandaan lamang na sakaling isurrender ang aso ninyo sa pound, ang aso ay mayroon lamang ilang araw upang manatili sa pound. Ang tawag dito ay ang 'holding period' ng pound. Iba-iba ang holding period ng mga pound. Mayroong tatlong araw lamang, meron namang isang linggo. Ngunit ang lahat ng pound, kapag lumampas na ang holding period at hindi na tinubos ng may-ari ang hayop o walang ibang taong nais na umampon sa hayop, ay pinapatay ang mga ito through euthanasia o ang iyong tinatawag na mercy killing (kung ang pound ay gumagamit ng humane at approved methods of euthanasia). Legal po ang euthanasia o mercy killing sa pound dahil hindi naman po nila responsilidad na mag-alaga ng hayop na ayaw na ng mga may-ari. Ang kanilang tungkulin ay animal control in the interest of public health and safety, hindi pagbigay ng long term care sa mga aso. (Ipinapaliwanag po ito ng husto dito: Animal Welfare vs Animal Control)
Ipapaalam din po namin na madalas ay hindi kaaya-aya ang kundisyong ng mga hayop sa pound. Siksikan ang mga kulungan kung nasaan ang mga aso, wala ding segregasyon para sa mga asong mababangis kesa sa mga maaamo at wala ding garantiyang sila ay mapapakain o nabibigyan ng maayos na inuming tubig. Hindi din masisigurado kung tama at humane ang pagpatay sa mga hindi tinubos na aso.
Ito po ang naghihintay sa inyong aso sakaling isurrender ninyo lamang sa pound o City Vet.
B. Pag-isipan na ipa-mercy killing o euthanasia ang alaga. Ang euthanasia po ay ang mas compassionate na option kung hindi kayo magbibigay ng effort para matugunan ang behavior ng alagang aso. Lumapit po sa inyong trusted vet at ipa-euthanize ang aso para hindi po niya ma-experience ang mga kondisyon sa pound, para sigurado kayo na humane at peaceful ang pag-euthanize sa kanya at para kayo po (ang pumiling mag-uwi sa kanya at mag-alaga sa kanya) ang makakasama niya sa mga huling minuto ng kanyang buhay.
Inaasahan po namin na susubukan ninyong gawin ang steps 1-4. Hindi naman ninyo itatakwil ang iyong sariling anak o magulang kung ito ay may masamang ugali o kung hindi sila ma-control hindi po ba? Pareho ang dapat gawin para sa minamahal na alaga. Iresponsable po na ipasa ang responsibilidad ng pag-aalaga ng inyong aso sa iba lalo na at ganyan po ang kanyang ugali.
Maging responsableng may-ari po tayo ng ating mga alagang hayop.